Programa at Sertipikasyon

Mahalaga ang partisipasyon ng bawat CDW sa kabuoan ng Handang Magbasa QC Project.

Ang inyong pagsagot sa mga online survey at interview, pati na ang pagdalo sa mga webinar ay makatutulong para matupad ang mga layunin ng proyektong ito.

Makatatanggap ng Certificate of Attendance ang mga CDW na kompleto ang attendance sa scheduled activities.
Certificate of Participation naman ang ibibigay sa mga CDW na bukod sa kompletong attendance, ay papasa sa maikling pagsusulit na gagawin kapag patapos na ang proyekto.

Inaasahang magiging madali ang pagkamit sa mga certificate na ito dahil buo ang suportang ibibigay ng Quezon City Government at Handang Magbasa Team sa bawat CDW.

Ang daloy ng programang Handang Magbasa ay ang sumusunod:

  1. Pretest para sa 317 CDW via GoogleForm

  2. PANIMULA SA HANDANG MAGBASA:
    Asynchronous learning via training videos at Child Development Workers Training Manual
    1. PHM Module 1: Mga Konsepto at Idea sa Kahandaan sa Pagbasa (4 na video)
    2. PHM Module 2: Mga Batayang Kakayahan sa Pag-unlad ng mga Batang Edad 3 hanggang 4 na Taong Gulang (4 na video)
    3. PHM Module 3: Pagpaplano ng Book-based Instruction (4 na video)
    4. PHM Module 4: Interaktibong Pagbasa nang Pabigkas (4 na video)
    5. PHM Module 5: Pagpaplano ng mga Gawain at Materyales sa Kahandaan sa Pagbasa (5 na video)

  3. Posttest 1 para sa 317 CDW

  4. BOOK-BASED INSTRUCTION:
    Asynchronous learning via training videos at Child Development Workers Training Manual
    1. BBI Module 1: Epektibong Pagtatanong (4 na video)
    2. BBI Module 2: Kakayahan sa Wikang Pabigkas (4 na video)
    3. BBI Module 3: Interes sa Pagbabasa (3 na video)
    4. BBI Module 4: Masayang Magsulat (4 na video)

  5. Phone Interviews at Focus Group Discussions

  6. Mid-project Webinar

  7. Posttest 2 para sa 317 CDW